00:00
05:03
Ang "Di Sapat Pero Tapat" ay isang kanta ng bandang This Band. Ang awiting ito ay nagpapakita ng malalim na emosyon at tapat na saloobin, na tumatalakay sa mga hamon ng pagmamahalan kung saan kahit na hindi sapat ang mga kakayahan, ang tapat na puso ay nangingibabaw. Sa pamamagitan ng makabagbag-damdaming liriko at masiglang melodya, naipapakita ng This Band ang kanilang natatanging estilo at koneksyon sa kanilang mga tagapakinig.
Bakit 'di mo pa aminin?
Bakit 'di mo pa sabihin?
Hindi na 'ko
Hindi na 'ko
Alam kong merong nililihim
Masakit man na isipin
Hindi na ako
Ang iyong gusto
Handa na 'ko sa iyong pag-amin
Na ako'y iyong lilisanin
Alam kong 'di ako sapat
Pero ako'y naging tapat sa puso mo
Alam kong sa 'ting pagsasama
Sa akin, 'di ka maligaya
Hindi na ako
Para sa'yo
Handa na 'ko sa iyong pag-amin
Na ako'y iyong lilisanin
Alam kong 'di ako sapat
Pero ako'y naging tapat sa puso mo
Handa na 'ko na palayain
Handa na 'kong ika'y limutin
Handa na kahit masakit
Kaysa ako'y magpumilit sa puso mo
♪
At bago mo 'ko palayain
Mahal kita, 'wag mong limutin
'Di man ako naging sapat
Pero ako'y naging tapat sa puso mo
Handa na 'ko sa iyong pag-amin
Na ako'y iyong lilisanin
Alam kong 'di ako sapat
Pero ako'y naging tapat sa puso mo
Handa na 'ko na palayain
Handa na 'kong ika'y limutin
Handa na kahit masakit
Kaysa ako'y magpumilit sa puso mo
At bago mo 'ko palayain
Mahal kita, 'wag mong limutin
'Di man ako naging sapat
Pero ako'y naging tapat sa puso mo