00:00
03:56
Ang "Sa Paghimig Mo" ay isang makabagbag-damdaming awitin ng sikat na bandang December Avenue. Kilala ang banda sa kanilang mga liriko na tumatalakay sa pag-ibig, pagkakaibigan, at personal na mga karanasan. Sa kantang ito, ipinapakita nila ang kanilang kakayahan sa paglikha ng musika na madaling maunawaan at maramdaman ng kanilang mga tagapakinig. Ang "Sa Paghimig Mo" ay naging paborito sa mga tagahanga dahil sa emosyonal na paghahatid at melodiyang tumagos sa puso. Patunay ito sa tibay at kahusayan ng December Avenue sa industriya ng musika sa Pilipinas.
Sa paghimig mo'y natutunaw ang lahat
'Di na baleng masayang basta't mapagmasdan
Hinahanap ko ang iyong pag-ngiti
Natutunang masanay na ika'y mahalin
Damhin ang aking lambing
Yayakapin ka sa 'yong paghimbing
Abot-langit ang pagsamo
Sayo'y hindi magbabago
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo
Sa pagtitig mo'y napapawi ang kaba
Nahuhulog na lamang sa iyong kagandahang
'Di mapantayan kahit na sino man
Natutunang masanay na ika'y mahalin
Damhin ang aking lambing
Yayakapin ka sa 'yong paghimbing
Abot-langit ang pagsamo
Sayo'y hindi magbabago
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo
At sa muling paglipas ng umaga
Ako'y mananabik sa 'yong iniwang alaala
Pagbangon mo'y karipas ang bilis
Hindi na marinig ang paghimig mo
♪
Damdamin at ang aking mundo'y iikot lamang sa 'yo
Dinggin mo ang pag-amin kong
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo, oh
Puso'y nagimbal na lamang sa paghimig mo