Taguan Sa Maliwanag Na Buwan - Pappel

Taguan Sa Maliwanag Na Buwan

Pappel

00:00

05:29

Song Introduction

Sa kasalukuyan, walang impormasyon tungkol sa kantang ito.

Similar recommendations

Lyric

Nadatnan ang kalangitan

Sumulpot na naman ang maliwanag na buwan

Maaari kaya tayong hilahin

Papalapit ng puwersang ito sa isa't isa

At magkita nang hindi inaasahan

Sana

Bakit hindi 'di ba

Tila naglalaro tayo ng tagu-taguan

O 'di kaya'y parang sumisid sa kailalimang

Karagatan ng tao

Lumubog at umahon, lumilingon-lingon

Nasaan Walang kaalam-alam na

Ako pala'y

At nang matagpuan

Ako'y iyong hinagkan

Tulad ng paghalik ng dilim ng gabi

Sa maliwanag na buwan

Kalakip pa ang mga tala na sumisimbulo

Sa nag-aalab na nadarama

Ayoko nang kumawala

Sana

Bakit hindi 'di ba

Tila naglalaro tayo ng tagu-taguan

O 'di kaya'y parang sumisid sa kailalimang

Karagatan ng tao

Lumubog at umahon

Lumingon-lingon

Nasaan

Walang kaalam-alam na

Ako pala'y

Oohh, oohh, ooohh...

'Di ko inakala

'Di makapaniwala

Na para bang ito'y isang

Panaginip lang

Pasalamat kay Bathala

Landas natin pinagtama

Makadaupang-palad

Sinta ika'y aking hinahangad

'Di ko inakala

'Di makapaniwala

Na para bang ito'y isang

Panaginip lang

Pasalamat kay Bathala

Landas natin pinagtama

Makadaupang-palad

Sinta ika'y aking hinahangad

Tila naglalaro tayo ng tagu-taguan

O 'di kaya'y parang sumisid sa kailalimang

Karagatan ng tao

Lumubog at umahon, lumilingon-lingon

Nasaan (nasaan,nasaan)

Walang kaalam-alam na

Ako pala'y iyong

Natagpuan

Ahh... aahh

Ooohhh... oohh...

Ako pala'y natagpuan

- It's already the end -