Mahal Ko O Mahal Ako - KZ Tandingan

Mahal Ko O Mahal Ako

KZ Tandingan

00:00

03:39

Similar recommendations

Lyric

Dalawa kayo sa buhay ko at ako ngayon ay

Kailangan nang mamili, isa lang ang maaari

Alam mong narito ako, lagi para sa iyo, oh

Mahal kita nang labis ngunit iba ang iyong nais

At s'ya'y narito, alay sa 'ki'y wagas na pag-ibig

Nalilito, litong-litong-lito

Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko

O s'ya bang kumakatok sa puso ko?

Oh, ano'ng paiiralin ko, isip ba o ang puso ko?

Nalilito, litong-litong-lito

Sino'ng pipiliin ko, mahal ko o mahal ako?

Kahit 'di ako ang mahal mo, kung mananatili ako sa 'yo

Ay baka matutunan mo rin na ako'y iyong ibigin

At kung sadyang s'ya'y tapat, baka sakaling pagdaan ng araw

Matutunan ko rin ang ibigin s'ya

Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko

O s'ya bang kumakatok sa puso ko?

Oh, ano'ng paiiralin ko, isip ba o ang puso ko?

Nalilito, litong-litong-lito

Sino'ng pipiliin ko?

Ang nais ko ay maranasan ang umibig

At masuklian din ng pag-ibig

Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko

O s'ya ba? (O s'ya ba?)

Oh, ano'ng paiiralin ko, isip ba o ang puso ko? (Isip ba o ang puso ko?)

Nalilito, litong-litong-litong-litong-litong-lito

Sino'ng pipiliin ko, mahal ko o mahal ako?

- It's already the end -