Tila - Clara Benin

Tila

Clara Benin

00:00

03:05

Similar recommendations

Lyric

Tila humihinto ang aking panahon

Walang naririnig kundi huni ng ibon

Umaawit

Dinadala ng ihip ng hangin

Tila gumaganda nang lalo'ng mga rosas

Sabay, sabay silang sumasayaw

Sa hampas ng hangin

Dumadampi at bumubulong sa 'yo

Naririnig mo ba'ng bulong ng puso ko?

Binubulong ng hangin

Tila ngumingiti ang araw sa umaga

Mga paruparo'y naglalaro

Sa hampas ng hangin

Dumadampi at bumubulong sa 'yo

Naririnig mo ba'ng tunog ng puso ko?

Binubulong ng hangin

Sana nga ito ay marinig

Binubulong ng hangin ang dama nitong dibdib

Binubulong ng hangin

Binubulong ng hangin

Naririnig mo ba'ng tunog ng puso ko?

Binubulong ng hangin

- It's already the end -