tindahan ng mga alaala - Ian Quiruz

tindahan ng mga alaala

Ian Quiruz

00:00

03:47

Song Introduction

Sa kasalukuyan, wala pang impormasyon tungkol sa kantang ito.

Similar recommendations

Lyric

Pabili po ng alaalang masaya

Panghimagas ko sa buhay at siyang aking pahinga

Pabili po ng relos kahit wala nang baterya

Nang dumungaw lang muli ang nalimutang pahina

Pwede bang pautang muna ng tahol ng aso naming

Matagal-tagal ko nang hindi nakakapiling?

Pabili po sa tindahan ng mga alaala

Pabili po ng sasakyang dati na't pinaglumaan

Baka sakaling maihatid sa paborito kong sinehan

Pabili po ng pambili noong aking kabataan

Baka sakaling makabili ng paborito kong laruan

Pabili ng ginamit kong lapis sa unang sulat ko ng tula

Pabili ng ginamit kong ballpen sa bagsak kong mga marka

Pabili po sa tindahan ng mga alaala

Lumilipas lang ang bawat sandali

Ano'ng magagawa ko? Tao lang (tao ka lang)

Sa isang iglap, nagbago ang lahat

'Wag kalimutang sariwain kung dalawin ka ng mga alaala

Pabili po ng alaalang kasalukuyan kung umasta

Pabili po ng galunggong sa presyong kaya pa ng bulsa

Pabili ng krayolang pinagpuputol ko no'ng elementarya

Baka sakaling maisalba ang iginuhit kong bara-bara

Pabili po ng sandaling naging simula ng mga pangarap

Kasi nakakalimot na 'ko kung paano ba magsikap

Pabili po sa tindahan ng mga alaala

Lumilipas lang ang bawat sandali

Ano'ng magagawa ko? Tao lang (tao ka lang)

Sa isang iglap, nagbago ang lahat

'Wag kalimutang sariwain kung dalawin ka ng mga alaala

'Di ko lang namamalayang umuusad pala

Nakangiti't pumapag-asa dahil may konti pa 'kong barya

Lumilipas lang ang bawat sandali

Kung 'di mo iipunin ay paano na?

Hindi naman masamang magpahinga

'Wag kalimutang sariwain kung dalawin ka ng mga alaala

- It's already the end -