00:00
04:36
Nasaan na ang bintana kung saan ay may tala?
Dala ko ang kampana, 'wag sanang mabahala
'Di alam papaano isipin saan magsisimula
Ako'y natatakot dahil 'di sigurado
Basta alam ko na mahal kita, araw-araw, ika'y mahalaga
'Di maamin ang nadarama dahil sa sungit ng mata
Tayo na't magsayawan, tugtog ay 'di mapigilan
Langit ay naaabot ko na, maaabot ko na
Lalabas kahit na madilim sa kalsadang walang dumaraan
Sabay tayong maglalakad, hawakan mo'ng aking kamay
Upang hindi na humiwalay, araw-araw, ika'y mahalaga
'Di maamin ang nadarama dahil sa sungit ng mata
Ako'y nandito lamang, ikaw ang tanging kayamanan
'Di na kayang pantayan, 'di na kayang pantayan ng kahit anong bagay
♪