Di Nila Alam - Ekai

Di Nila Alam

Ekai

00:00

04:43

Similar recommendations

Lyric

'Di naman nila alam, mga simpleng kuwentuhan natin

Sa ilalim ng buwan

'Di naman nila alam, minsan ka lang makitang ngumiti

Dahil pa 'yon sa Kanya

Ayoko nang sabihin na natatakot na masira ang lahat

Kaibigan na lang ba?

Ayoko nang umasa pa sa isang tulad mo

'Di nga nila alam, pero 'di mo rin naman ramdam

Ang puso kong sinisigaw ang ngalan mo

'Di ko sasabihin na nahulog na ako

'Di naman napapansin, paano?

Eh, sa kanya ka lang naman laging nakatingin

'Di na lang lalapit pa, at 'di na rin ako magpapakatanga

Kaibigan na lang talaga

Ayoko nang umasa pa sa isang tulad mo

'Di nga nila alam, pero 'di mo rin naman ramdam

Ang puso kong sinisigaw ang ngalan mo

'Di ko sasabihin na nahulog na ako

Nahulog na sa 'yo

Dahan-dahang aalis, 'di na ako magtitiis

Sa hindi sigurado

'Di na ako magsasabi, 'di mo na maririnig

Ang paalam ko

Ayoko nang umasa pa sa isang tulad mo

'Di nga nila alam, pero 'di mo rin naman ramdam

Ang puso kong sinisigaw ang ngalan mo

'Di ko sasabihin na nahulog na ako

Nahulog na sa 'yo

- It's already the end -