00:00
04:42
Hawakan mo sana ang aking kamay
Ilapat mo ang palad sa'king balikat
Dahan-dahang limutin ang 'yong lumbay
Sa bawat galaw
Hayaang lumipas ang takbo ng oras
Sulitin natin himig at bawat kumpas
Sa bawat ikot ating mundo'y titigil
Kaya sana'y pagbigyan
Ang nais ko lang naman ay makasama
Magkahawak-kamay sa tugtugin tayo ay maligaw
Sa ilalim ng buong buwan, isayaw mo'ko habangbuhay
Huwag kang magalala
Di ka madadapa, ako ang 'yong gabay sinta
Aalalay sayo sa tuwi-tuwina
Sa bawat hakbang
Ang pangako ko na hanggang dulo
Pumuti man ang mga buhok ko
At magsasayaw hanggang pagtanda
Di lilimutin na tayong dalawa'y
Sa ilalim ng buong buwan, magsasayaw tayo habambuhay
Ohhh-ohhh
Sa ilalim ng bilog na buwan (isayaw ako)
Isayaw mo ako Norma, dahan-dahan (dahan-dahan)
Sa ilalim ng bilog na buwan (sa ilalim ng buwan)
Isayaw mo ako Norma dahan-dahan sinta