00:00
04:21
Hating gabi nung una kang makatabi
Alam kong dama mo na ika'y pinagpalit
Mga sandaling natutulog lang sa tabi
Naninibago sa bawat mukhang pumupuslit
Bakit nga ba binibitin?
Walang kasing tulad mong lambing
Mahimbing, itulog mo na
Nang di ka na maghirap pa
At sa muling pagkikita
Ako sana'y iyong maalaala
Mga nalalabing oras mong nakatingin
Sa mga mata ko, tila ba ay humihiling
Bakit nga ba binibitin?
Walang kasing tulad mong lambing
Mahimbing, itulog mo na
Nang di ka na maghirap pa
At sa muling pagkikita
Ako sana'y iyong maalaala
At sa huling sandali
Pangako ako'y katabi
At sa huling paghinga
Yakap ko'y madarama
Ahhhh ahhhhh
Mahimbing, itulog mo na
Nang di ka na maghirap pa
At sa muling pagkikita
Ako sana'y iyong maalaala
Ha ahh ahh ahh
Ha ahh ahh ahh
Ha ahh ahh ahh
Mahimbing, itulog mo na
Nang di ka na maghirap pa
At sa muling pagkikita
Ako sana'y iyong maalaala