Sabik - Jireh Lim

Sabik

Jireh Lim

00:00

04:00

Similar recommendations

Lyric

Ako'y nasasabik sa 'yo, sa yakap at lambing mo

Naiisip ko pa lang malayo ka ay kay lungkot

Nababaliw ako 'pag naaalala ko

Ang tamis ng 'yong ngiting lumiliwanag sa gabi

Dinadama ko ang hiwagang dulot ng 'yong pagmamahal

'Wag ka sanang magsasawa, ang tangi kong dinarasal

Minamahal kita, kumupas man ang 'yong ganda

Makakasama ka hanggang sa tayo'y tumanda

Iibigin ka kahit tumutol man sila

Hilahin man tayo pababa, pag-ibig ko'y 'di mag-iiba

Ako'y nasasabik sa 'yo, sa lambot ng labi mo

Nakatitig ka pa lang, ako'y nagiging marupok

Naaaliw ako at nahahabag ako

Sa tuwing dumadampi ang palad ko sa 'yong pisngi

Dinadama ko ang hiwagang dulot ng 'yong pagmamahal

'Wag ka sanang magsasawa, ang tangi kong dinarasal

Minamahal kita, kumupas man ang 'yong ganda

Makakasama ka hanggang sa tayo'y tumanda

Iibigin ka kahit tumutol man sila

Hilahin man tayo pababa, pag-ibig ko'y 'di mag-iiba

Ha-ah, ha-ah

Ha-ah, ha-ah-ah-ah

Ha-ah, ha-ah

Ha-ah, ha-ah-ah-ah

Minamahal kita, kumupas man ang 'yong ganda

Makakasama ka hanggang sa tayo'y tumanda

Iibigin ka kahit tumutol man sila

Hilahin man tayo pababa, pag-ibig ko'y 'di mag-iiba

Ha-ah (minamahal kita), ha-ah (kumupas man ang 'yong ganda)

Ha-ah (makakasama ka), ha-ah-ah-ah (hanggang sa tayo'y tumanda)

Ha-ah (iibigin ka), ha-ah (kahit tumutol man sila)

Ha-ah (hilahin man tayo pababa), ha-ah-ah-ah (pag-ibig ko'y 'di mag-iiba)

- It's already the end -