Hatinggabi - Jeiven

Hatinggabi

Jeiven

00:00

03:44

Similar recommendations

Lyric

Sana tuwing hatinggabi

Maaalala mo ang ating gabi

Sana

Alas-dose ng gabi, ako'y hindi mapakali

Iniisip magdamag iyong boses at ngiti

Dumadagundong, tumutunog

Hindi alam kung ba't 'di ko maalis

Sa sulok ng isipan, daan ka nang daan

Mula sa pagsikat ng araw at paglubog ng buwan

Oh, parang sirang plakang naiwang mag-isa

Paikot-ikot, paulit-ulit, nangungulit, muntik ko nang makabisa

Sa layong abot-tanaw, hinihintay ka araw-araw

Minamasdan nang palihim ang bawat galaw

Para bang buwan na sa langit ay palutaw-lutaw

Oh, tuwing hatinggabi

Hindi ko kayang isipin na 'di ka para sa 'kin

Kinakausap ang ulap at ang mga bituin

Mundo'y nagkakulay, paghawak ng kamay

'Di akalaing mapapasa'kin

Sa sulok ng isipan, daan ka nang daan

Mula sa pagsikat ng araw at paglubog ng buwan

Oh, parang sirang plaka, naiwang mag-isa

Paikot-ikot, paulit-ulit, nangungulit, muntik ko nang makabisa

Sa layong abot-tanaw, hinihintay ka araw-araw

Minamasdan nang palihim ang bawat galaw

Para bang buwan na sa langit ay palutaw-lutaw

Oh, tuwing hatinggabi

Sana tuwing hatinggabi, maaalala mo ang ating gabi (sana)

Sana tuwing hatinggabi, maaalala mo ang ating gabi (sana, sana)

Sana tuwing hatinggabi, maaalala mo ang ating gabi

Paikot-ikot, paulit-ulit, nangungulit, hindi na 'ko mapakali

Sa layong abot-tanaw, hinihintay ka araw-araw

Minamasdan nang palihim ang bawat galaw

Para bang buwan, hindi mapigilang mamangha

Sa iyong ganda

Sana tuwing hatinggabi, maaalala mo ang ating gabi

Sana tuwing hatinggabi, maaalala mo ang ating gabi

Sana tuwing hatinggabi, maaalala mo ang ating gabi

Oh, tuwing hatinggabi

- It's already the end -