Sinehan - Sugarcane

Sinehan

Sugarcane

00:00

03:17

Similar recommendations

Lyric

Naaalala ko pa no'ng tayo'y sabay na humakbang

Palabas ng sinehan, hmm

Sabay tayong kinikilig dahil sa pelikula

Ngunit 'di dahil sa isa't isa

Pumipiglas ang ating puso

Patungo sa isang panibagong yugto

Itigil mo na ang pagpupumilit

Iwanan mo na'ng ligaya't sakit

At ako na lang ang siyang magsasabing "Wakas"

Ako'y nagdadal'wang-isip kung para sa atin

Ang sumpang pag-ibig na ito, whoa

Aminin na natin na 'di lang ako ang siyang nagkamali

Nagunaw tayo dahil sa isa't isa

Pumipiglas ang ating puso

Patungo sa isang panibagong yugto

Itigil mo na ang pagpupumilit

Iwanan mo na'ng ligaya't sakit

At ako na lang ang siyang magsasabing

Tama na, oh, tahan na

'Di na hahayaang magpatuloy pa kung panghihinayang na lang

Ang panghahawakan (ito na ang paalam), at tatalikuran (ang ating sumpaan)

At tatanggapin na tayo'y hanggang dito na lang

At hindi na magpupumilit

Salamat sa ligayang hatid

At sa alaala ng ating pag-ibig

Wakas

- It's already the end -